Monday, 11 March 2019

Masaganang Agrikultura, Masaganang Bansa


Ang ating mundo ay nahahati sa dalawang bahagi, ang lupa at ang tubig.

facebook credits

Ito ay binubuo ng ¾ bahagi ng tubig at ¼ naman para sa bahagi ng lupa. Ang pilipinas ay nagtataglay ng mga malawak na lupain kung saan ay sagana ang ating bansa sa mga malulusog na lupa at tayo’y mas mapalad dahil matutustusan natin nang maigi ang sektor ng ating agrikultura. Ang sektor na ito ay masasabing nagtataguyod sa malaking bahagdan sa ating ekonomiya sapagkat sa lahat ng sektor sa ating ekonomiya ay dito umaasa sa kanilang mga pangangailangan na kanilang magagamit upang mapatakbo at mapaunlad din ang ibat ibang mga sektor. Kaya’t masasabi natin na napakahalaga talaga ng sektor na ito sa ating ekonomiya.


Isa sa pinakamahalagang bahagi sa sektor ng agrikultura na mas tinututukan ngayon na kung saan ang mga mamamayan sa ating bansa ay umaasa dito. Ang pagtatanim ay isa sa mga pinagmulan ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa pilipinas. Ang mga pangunahing produkto natin sa pagtatanim ang siyang kinokonsumo ng lahat at ito’y pangunahing pinagmulan ng ating pagkain. Isa ito sa naging dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa pagkat hindi lamang ito nakuon para sa ating pagkain kundi ito rin ang nagging paraan sa pag angat ng ating kabuhayan. Nakatutulong ang pagsasaka sa kontribusyon sa pambansang kita dahil nagagawan nitong punan ang isa sa pinakamalaking demand sa mundo. Sa katunayan, marami sa ating mga produkto and ine-export sa ibat ibang bansa dahil sa kalidad na taglay nito at nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investors na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa.



pinterest credits

Isa nadin ang pangingisda. Itoy tungkol sa paghuhuli ng mga isda sa pamamagitan ng pamimingwit at bibitag. Maliban sa mga isda, maaari rin itong matukoy ang paghuli sa ibat ibang uri ng yamang dagat tulad ng mga molusko, tahong, sugpo, pugita at palaka. Ang pangingisda ay isang gawain mula pa noong sinaunang panahon kayat hanggang ngayon ay ating ginagawa parin ng tulayan sapagkat itoy nakakatulong sa ating sa pagtustos para sa ikinabubuhay ng ilang mamamayan. Nagbibigay kita rin sa bansa ang pangingisda dahil maraming bansa ang umaangkat pa ng mga isda sa Pilipinas.
Sa kabuuang ideya, masasabi nating napakahalaga talaga ng sektor ng agrikultura sa ating bansa. Marami itong mga tinustusang aspekto na nagpaunlad ng ating ekonomiya. Marami itong mga paraan na ating nagagamit na nagbibigay ng malaking impact sa paglago ng ating lipunan. Kung gayoy kailangang mas bigyan natin ito ng pansin upang mas lumago pa at patuloy na uunlad para magpapatayo at magpapalaganap ng mataas na kaunlaran na magagamit pa sa mga susunod na mga henerasyon.


"Ang pangingisda at pagsasaka ay hindi bastang trabaho,

kundi pagbuhay sa mga tao"